Ang Direktoryo ng Modernong Pang-aalipin sa Buong Mundo (GMSD) ay isang sama-samang pagsisikap para tukuyin at i-mapa ang mga organisasyong nag-aasikaso sa human trafficking, modernong pang-aalipin, at mga kaugnay na isyu sa buong mundo. Ang layunin ay lumikha ng isang resource na magagamit ng mga indibidwal at organisasyon upang kumonekta sa mga sangkot sa pagtugon sa human trafficking sa buong mundo. Nilalayon naming isama ang mga organisasyong hindi pagmamay-ari ng gobyerno (Mga Non-Pamahalaan Organisasyon NGOs), multilateral na institusyon, ahensya ng gobyerno, at ahensyang nagpapatupad ng batas, bukod sa iba pa.
Upang matiyak na matutugunan ng GMSD ang layunin nito na magbigay ng napapanahon at de-kalidad na mga referral upang matugunan ang mga natatanging pangangailangan ng mga survivor, ang bawat aplikasyon ay sinusuri at tinatasa bago idagdag sa GMSD. Hinihiling sa mga organisasyong interesadong mapabilang sa database na sagutin ang sumusunod na form. Dapat sagutan ang form na ito ng mga awtorisadong kawani ng organisasyon lamang. Hihilingin sa mga organisasyong kabilang na sa GMSD na kumpletuhin ang isang taunang proseso sa pag-update, na sinusuri at ina-update ang lahat ng field sa form na ito upang matiyak ang pagiging tumpak pati na rin punan ang bagong idinagdag na impormasyon na naglalayong mapabuti ang proseso ng referral para sa mga survivor.
Ang GMSD ay hindi nag-eendorso o nagpapatunay sa mga organisasyong kasama sa aming database. Ang iyong mga sagot sa mga tanong na nakalista sa ibaba ay makakatulong sa amin na matukoy kung natutugunan ng iyong ahensya ang pinakamababang batayan para sa pagsasama (criteria for inclusion), at upang matiyak na nakakatanggap ka ng mga angkop na referral batay sa iyong misyon, kapasidad, at lugar ng serbisyo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa database, mga patakaran, at batayan sa pagsasama, i-click ang link na ito.
Inirerekomenda na lumikha ka ng isang login upang i-save ang iyong progreso at ipagpatuloy sa ibang pagkakataon, kung kinakailangan.
Kapag naisumite na ang form, maaaring mag-follow-up sa iyo ang kawani ng GMSD sa pamamagitan ng email o isang tawag sa telepono upang pag-usapan ang istruktura ng iyong ahensya, mga patakaran at pamamaraan sa paghahatid ng serbisyo, at available na serbisyo.
Kung nagbibigay ang iyong organisasyon ng mga serbisyo sa loob ng Estados Unidos, punan ang aplikasyon para sa National Human Trafficking Referral Directory, huwag punan ang form na ito.